TITO SOTTO SAYS TRANSFER TO TV5 NOT A DONE DEAL; OTHER OPTIONS ON THE TABLE

Nilinaw ng TV host at former Senate President Tito Sotto na hindi pa sila nagdedesisyon kung saang network lilipat ang lahat ng Eat Bulaga! hosts at production staff.

Ito ay kasunod ng pagpapaalam nina Tito, Vic Sotto, at Joey de Leon sa TAPE Inc., pagkatapos ng 44 taon, kahapon, May 31, 2023.

Ang TAPE ang producer ng Eat Bulaga!, na umeere sa GMA-7 nitong huling 28 taon.

Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers

"Magdedesisyon pa lang kami kung lilipat kami ng TV5 in the next few days," pahayag ni Tito sa ambush interview sa kanya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), sa telepono, ngayong Huwebes ng tanghali, June 1, 2023.

Taliwas ito sa mga ulat na "done deal" na ang paglipat nina Tito, Vic, at Joey sa TV5, at nagkapirmahan na sila ni TV5 chairman Manny V. Pangilinan ngayong linggo.

Read: Tito, Vic & Joey magpapaalam na sa 'Eat Bulaga!'; paglipat sa TV5 "done deal na"?

Dagdag pa ni Tito sa PEP.ph: "Hindi. We will decide today, or tomorrow… magmi-meeting muna kami. Kasi meron din kaming mga offers from the other stations."

Mas malamang daw na antayin nilang lumabas ang desisyon ng Intellectual Property Office (IPO) kaugnay ng copyright issue sa paggamit ng titulong Eat Bulaga!, bago sila magsimulang umere muli.

Ang tiniyak ni Tito sa PEP.ph ay noontime show pa rin ang slot at format ng kanilang magiging programa saan sila mapunta, kasama ang lahat ng co-hosts at production people ng kasalukuyang Eat Bulaga!.

Read: Tito Sotto reveals "exodus" of Eat Bulaga! hosts, production staff from TAPE

Kung sakaling magdesisyon silang sa TV5 lumipat, ibig sabihin nito ay maba-bump off ang It's Showtime, ang noontime show ng ABS-CBN na umeere ngayon sa TV5.

Nang tanungin tungkol dito, tumanggi munang magbigay ng pahayag si Tito dahil hindi pa naman daw sila nakakapagdesisyon ng istasyong lilipatan. 

"I’d rather not discuss that kasi hindi pa naman kami nagde-decide sino sasamahan namin," pag-iwas ng veteran TV host-politician.

Nang tanungin naman ng PEP.ph kung sino ang magiging bagong producer ng noontime show ng TVJ, sinabi ni Tito na hindi pa rin nila ito napagdedesisyunan.

Nang tanungin kung sa hanay ng mga magiging producer ay kasama rin ang TVJ—Tito Vic Joey—ang sagot ni Tito ay, "Posible... posible." 

Read: Tito Sotto on the day TVJ left TAPE: "Parang sila ang may-ari sa amin. Nakakapikon na."

BACKSTORY

Halos apat na buwan na ang mainit na hidwaan sa pagitan ng Dabarkads at TAPE Inc. 

Gawa ito ng major overhaul na gustong ipatupad ng TAPE Inc. — mula sa salary scale ng mga host at employee hanggang sa reinvention ng segments at change of hosts.

February 28, 2023 nang mag-General Assembly ang lahat ng hosts at production staff ng Eat Bulaga! kunsaan inanunsiyo ni Romy ang tungkol dito. 

Naisapubliko ang isyu noong March 1, nang maglabas ng blind item ang PEP.ph at iba pang reports na may kinalaman sa isyung rebranding ng Eat Bulaga!.

Lumabas din ito sa iba-ibang media outfits. 

Noong April 19, lumabas si Dapitan Mayor Bullet Jalosjos sa isang TV interview kunsaan pinabulaanan niyang may problema sa pera ang TAPE Inc. Siniguro rin noon ni Bullet na mananatili ang TVJ at ibang Dabarkads sa Eat Bulaga!.

Sa TV interview rin na iyon sinabi ni Bullet na boluntaryong nagretiro si Tony Tuviera bilang president at CEO ng TAPE Inc., at ang bagong management na aktibo sa daily operations ay pangungunahan na ni Bullet at ng mga kapatid niyang sina Jon-Jon at Soraya. 

Ang tatlong nabanggit na mga anak ni Romy ay bahagi ng Board ng TAPE Inc. Si Bullet ang chief finance officer, habang si Jon-jon ang president. 

READ: TAPE's Mayor Bullet Jalosjos assures public Tito, Vic & Joey will not leave 'Eat Bulaga!'

READ: Mayor Bullet Jalosjos, tinawag na "fake news" ang mga ulat tungkol sa rebranding ng Eat Bulaga!

April 26 naman nang humarap si Tito sa eksklusibong panayam ng PEP.ph kunsaan inalmahan niya ang aniya'y mga kasinungalingang ipinakalat ni Bullet sa TV interview nito. 

Ibinulgar din noon ni Tito ang mga problemang kinahaharap ng Dabarkads gawa ng sinasabi ng management na pagkalugi ng show, hindi pagbayad sa talent fee nina Vic Sotto at Joey de Leon, at ang pag-force retire ng management kay Tony Tuviera. 

READ: FULL TRANSCRIPT: Tito Sotto reveals untold details about internal issues in 'Eat Bulaga!'

READ: EXCLUSIVE Part 1: Tito Sotto drops bombs on those warring with 'Eat Bulaga!'

READ: EXCLUSIVE Part 2: Tito Sotto on Jalosjos family meddling in 'Eat Bulaga!' production: "Di nga namin sila nakita ng 43 years!"

2023-06-01T12:08:24Z dg43tfdfdgfd