AFTER 28 YEARS NG PAGTAYA, ZAMBOANGUEñO NA-LUCKY PICK ANG PHP21M SUPERLOTTO JACKPOT PRIZE

Isang residente ng Zamboanga City ang masuwerteng nanalo sa April 27, 2023 draw ng SuperLotto 6/49.

Ang winning combination ay 48-10-12-28-34-05.

Nakapag-uwi ang jackpot winner ng PHP21,215,267.00.

Sa panayam ng Philippine Charity Sweepstakes Office  (PCSO) sa jackpot winner, sinabi niyang pinagtiyagaan talaga niyang tumaya sa lotto sa loob ng 28 taon bago niya na-hit ang jackpot.

Nakapanayam siya ng PCSO nang i-claim niya ang premyo sa PCSO Main Office sa Mandaluyong City noong May 2, 2023. 

Ibinahagi rin niya na nagsimula siyang tumaya sa lotto nang umpisahan ang laro noong 1995.

Read also: Anak "hired" by parents para maging "full-time daughter" with PHP32K monthly salary

Maging umano siya ay hindi makapaniwala na tumama na siya sa wakas nang makita niya ang resulta.

Gagamitin naman niya ang pera para sa future ng kanyang pamilya.

Patakaran ng PCSO na hindi isapubliko ang buong identity ng mga nananalo ng jackpot sa lotto.

Read also: TRENDING: Dam pina-drain para makuha ang phone na nahulog habang nagse-selfie

LUCKY PICK ANG GINAMIT SA PAGTAYA

Mapapansin sa winning ticket na tumaya ang bagong milyunaryo sa pamamagitan ng lucky pick (LP).

Sa paraang ito, ang bettor ay hindi nagse-shade ng anim na numero sa nakalistang 1 to 49, o sa kahit anong laro, sa bet slip.

Sa halip, ang nilalagyan ng shade ay ang portion na may nakasulat na LP sa ibaba, o lucky pick.

Read also: Artwork tinawag na pangit, "sinunog" ng kliyente; painter inulan ng blessings

Mismong ang system ng lotto ang pipili ng computer-generated number na magpapakita ng random number combination para sa bettor.

Gayunpaman, bihira ang tumataya sa pamamagitan ng lucky pick.

Kadalasan, ang mga bettors ay may alagang number combinations na may kaugnayan sa mahahalagang kaganapan sa kanilang buhay, gaya ng birthday, edad, anibersaryo, house number, plate number, at iba pa.

Read also: May stress at kamalasan sa buhay? I-try ang malachite gemstone

May mga nag-congratulate sa jackpot winner at sinabing hindi na ito lugi sa 28 years na pagtaya nito sa lotto.

Huwag umanong sasayangin ang pagkakataon, at maging praktikal sa paghawak ng pera lalo at matagal itong naghintay bago yumaman.

Isa rin ang nagsabi na noong 1995 ay 6/42 pa lang ang lotto, at once a week ang bola. Sa ngayon ay may five major lotto games: 6/42, 6/45, 6/49, 6/55 at 6/58—at araw-araw ay may bola.

Read also: "Transformers" statues na naging tourist attraction, pinatanggal ng mga kapitbahay

PAALALA NG PCSO SA MGA TUMATAYA SA LOTTO

Sakaling tumama sa lotto, para hindi ma-forfeit ang premyo, ang winner ay may isang taon mula sa petsa ng draw para i-claim ang napanalunan, ayon sa nakasaad sa Republic Act No. 1169.

Ang lahat ng lotto jackpot prizes ay kailangang sa PCSO Main Office, Shaw Boulevard, Mandaluyong City lang i-claim.

Para makuha ang napanalunan, dapat isulat ng winner ang pangalan nito sa likod ng winning ticket at pirmahan.

Kailangan ding magpakita ng dalawang government-issued IDs.

Sa ilalim ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, awtomatikong kakaltasin ang 20 percent tax mula sa jackpot prize.

Ang premyo na hindi make-claim ay magiging forfeited at ilalagay sa PCSO Charity Fund sa ilalim ng PCSO Charter.

Read also: Bacolod Masskara dancers, first time magtatanghal sa New York

2023-06-01T12:08:30Z dg43tfdfdgfd